Patawad, Mahal Ko

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang isipin kong isa ka lamang kaibigan

Na makakadaupang-palad ko

Limang araw sa isang linggo.

Noon pa lamang,

Pinatunayan mo ng mali ako.

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang inisip kong kaya kong

Laruin ang sitwasyon na ito.

Na inisip kong isa lamang laro ang lahat ng ito.

Isang laro.

May mananalo at may matatalo.

May liligaya at may masasaktan.

Pero mali ako, mahal.

Mali ako.

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang inisip kong wala kang puwang sa buhay ko.

Nang nagmatigas ako at ipinagkait ko sa’yo ang karapatan mo sa puso ko.

Nasaktan ka sa talim ng mga salitang binitiwan ko.

Lumayo ka, sa pag-aakalang isinara ko ang pintuan ng puso ko para sa’yo.

Lumayo ka, dala-dala ang sakit at kalungkutan na ako mismo ang nagdulot.

Lumayo ka–luhaan at sugatan.

At doon, mahal, doon ka niya natagpuan.

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang hayaan kitang tuluyang mapunta sa mga bisig niya.

Nang nagmatigas pa rin ako kahit paulit ulit ulit mong sinasabing,

“Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko.”

Nagsinungaling ako,

Dala ang sakit at takot sa dibdib ko.

Paano kung tanggapin kita,

Pero sa huli ay iwan mo rin ako?

Paano kung pagkatiwalaan kita,

Pero sa huli ay basagin mo ito na parang platong hindi na muling mabubuo?

Paano, mahal, kapag ito ay nagkalamat na?

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang hindi ko inamin ang totoong damdamin ko.

Itinago ko ang sakit sa likod ng matapang kong mukha at magarang kasuotan.

Tinabingan ko ng mga ngiti at pilit na halakhak ang puso kong lumuluha.

 

Mahal, natatandaan mo ba?

Minsan kitang pinapasok ngunit binitawan mo ako.

Minsan kitang minahal,

At minsan mo rin akong sinaktan.

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Pero masisisi mo ba ako?

Sa mga panahong minahal kita,

Nanlamig na parang niyebeng ni hindi ko pa kailanman naranasan.

Naglakas loob akong lumayo,

Dala ng sakit na naidulot mo.

Napagod na ako, mahal, kaya’t tinuruan ko ang puso kong maging manhid at matatag upang hindi na muling masaktan pa.

 

Mahal,

Nagkamali ako.

Nang hindi ko pinaglaban ang minsa’y totoo nating pagmamahalan.

Sa kalagitnaan ng araw,

Hinahanap ko ang mga yakap mo,

Ang mga labi mong

Parang tahanan ng puso ko,

Ang mga titig mo na tila

Nakikita mo ang kabuuan ng pagkatao ko.

Hinahanap kita mahal,

Araw-araw,

Minu-minuto,

Ikaw lang, mahal,

Ikaw lang.

 

Mahal,

Ayoko ng magkamali.

Sa pangalawang pagkakataon na ipinagkaloob sa atin,

Mahal ko, ituwid na natin ang lahat.

Bumalik ka, dala-dala pa rin ang mga salitang,

“Ikaw ang mahal ko”

At sa pagkakataong ito, mahal ko, itatama ko na ang lahat.
Binulong ko sa hangin

Ang hiling ko sa Diyos May Kapal,

Na sana nga ay ito na

Ang tamang panahon para sa atin,

Para sa mga puso nating nawalay

At muling nagtagpo.

 

Mahal,

Nagkamali ako noon.

Ngunit mahal ko,

Ngayon,

Nais kong malaman mo

Na ikaw ang pinipili ko,

Ikaw lang ang pipiliin ko,

Sa bawat umagang gigising ako

At sa bawat gabing hihimlay ako,

Sisiguraduhin ko, mahal ko,

Na ikaw lang ang nag iisang tama sa puso ko.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s